Umapela ng manual recount ang kandidato sa pagka-senador na si Apollo Quiboloy matapos nitong makuha ang rank 31 sa latest tally ng Commission on Elections (COMELEC) na 5,577,812.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quibolloy, ito ay dahil umano sa mga report na irregularities katulad ng overvote, vote and ballot receipt mismatch, discrepancies sa election returns, at iba pa.
Nilinaw naman ni Toreon na ito ay isang hakbang upang masigurado at matiyak ang tunay na boses ng mamamayan.
Sa kasalukuyan, si Quiboloy ay naka-detain dahil sa kasong child at sexual abuse at human trafficking sa Pilipinas at United States.