Hinimok ni Quirino Governor Dax Cua na siya ring pangulo ng union of local authorities of the Philippines o ulap ang department of environment and natural resources o denr na magtanim ng native or indigenous trees sa kanilang reforestation program.

Ayon kay cua na suportado nito ang plano ng environment department na itaas ang forest cover ng bansa sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno sa karagdagang tatlong milyong ektarya hanggang sa 2028 upang mabawasan ang epekto ng climate change.

Gayonpaman, binigyang diin ng opisyal na tanging native trees lamang ang dapat na maitanin.

Inihayag niya na nagbabala ang mga ecology experts tungkol sa panganib ng pagtatanim ng mga exotic trees sa ating mga kagubatan na maaaring humantong sa silent forest o pagkawala ng ecological balance dahil sa pagkamatay ng ibang halaman at hayop.

Ayon sa One More Tree Foundation, ang mga exotic trees ay nakakagambala sa mga lokal na ecosystem at nagdudulot ng mga banta sa katutubong flora at fauna.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang diin niya na ang dapat itanim ay ang mga native species gaya ng lauan, yakal, molave at iba pang matitigas o namumungang puno sa halip na gmelina, mahogany at iba pang exotic trees.

Aniya, mas makakasisiguro tayo na makaka-adapt at tutubo ang mga ito, at makakapag-akit din ng mga wildlife kumpara sa mga exotic trees
Dagdag pa niya, ang layunin ng reforestation programs ay hindi lamang sa muling pagtatanim ng mga puno, kundi sa pagpapanumbalik ng ecological balance.