Ipinakilala ng Quirino State University ang Bamboo-based food creations sa pamamagitan ng Research and Development (R&D) nito kamakailan sa pagdiriwang ng World Bamboo Day.
Ang mga kalahok mula sa iba’t ibang institusyon ay nakibahagi sa bamboo-based na tinapay at pastry na binuo sa pamamagitan ng mga hakbangin ni Prof.Jonathan Tariga, na professor sa nasabing unibersidad.
Kabilang sa iba pang mga makabagong produkto na ginawa ay bamboo shoot chips, kimchi, adodo sa gata at iba pang mga produktong pinaghalong tinapay at pastry.
Sa kasalukuyan, nasa 22 bamboo-based na mga produktong pagkain ang sakop na ngayon ng Utility Model license sa ilalim ng IPOPHL at kinomersyal ng mga lokal na negosyante ng Quirino.
Ang inisyatiba na ito ay naglalayong lumikha ng kamalayan sa iba’t ibang mga produkto mula sa mga bamboo shoot sa pamamagitan na rin ng layunin at innovation-driven na laan mula sa research and development.