Inanunsyo ni Sheikh Abdulrauf Guialani, Bangsamoro Grand Mufti, na magsisimula ang Ramadan sa Pilipinas sa Huwebes, Pebrero 19, 2026.

Ito ay matapos hindi makita ang bagong buwan sa isinagawang moon sighting sa bansa.

Ang Ramadan ay ika-9 na buwan sa kalendaryong Islamiko kung saan ang mga Muslim ay nag-aayuno mula pagsikat hanggang paglubog ng araw.

May mga exempted tulad ng may sakit, buntis, nagpapasuso, at matatanda.

Ipinagbabawal din ang paninigarilyo at pakikipagtalik habang nag-aayuno.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Eid al-Fitr naman ay magmamarka ng pagtatapos ng Ramadan at ipagdiriwang sa unang tatlong araw ng Shawwal, na iaanunsyo rin base sa moon sighting.