TUGUEGARAO CITY- Isinasagawa ngayon ang dalawang araw na kauna-unahang “Raniag Alcala Arts Fiesta” sa Alcala, Cagayan na nagsimula ngayong araw.

Sinabi ni Mayor Tin Antonio, layunin ng fiesta na ipakita sa pamamagitan ng sining ang pagbangon ng Alacala mula sa naranasang matinding pagbaha nitong nakalipas na taon.

Ayon kay Antonio, hindi lamang mga artists ng Cagayan ang nakilahok sa nasabing aktibidad kundi maging ang mga artists mula Manila at ibang probinsiya.

Dumalo din sa aktibidad ang ilang disaster risk reduction planners kabilang ang isang dayuhan na si Pearl Anderson.

Tinig ni Mayor Tintin Antonio

Kaugnay nito, sinabi ni Antonio na P50,000 ang premyo ng first prize sa mga isinumiteng mga paintings na tampok ngayon sa exhibit sa munisipyo ng Alcala.

-- ADVERTISEMENT --

Magkakaroon din ng aniya ng workshops kung saan ibabahagi ng mga artists ang ilang pointers sa pagpipinta.

Bukod dito, magkakaroon din bukas ng on the spot painting contest, group mural painting contest at ipapakita din ng mga artists ang kanilang mga istilo ng pagpipinta.

Sinabi ni Antonio na bukas ang nasabing mga aktibidad para sa lahat.