Tiwalang maipapasa lamang ni Tomas Casauay Jr ang August 2024 Registered Electrical Engineers Licensure Exams subalit hindi niya inasahang mapabilang sa Rank 2.

Bukod sa pagbabasa, sinabi ni Casauay na malaking tulong sa nakamit na tagumpay ang pagiging National Quizzer niya sa kanyang study habits.

Si Casauay na tubong Tuguegarao City ay nagtapos sa Cagayan State University (CSU)- Carig Campus nitong July 2024 ay nakakuha ng rating na 92.60%.

Pinangarap rin niyang maging Chemical Engineer subalit nahiligan niya kalaunan ang tinapos na kursong Bachelor of Science in Electrical Engineering.

Sa ngayon ay pinag-iisipan pa ni Casauay ang planong pagtuturo.

-- ADVERTISEMENT --

Payo pa nito sa mga gustong may maabot sa buhay na kailangan lang magsakripisyo ngunit bigyan ng oras ang sarili at pamilya at manalig lagi sa Panginoon.