Planong ipagpatuloy ng isa sa National Topnotcher sa katatapos na November 2022 Midwifery Licensure Examination mula Alicia, Isabela ang pag-aaral sa pagka-medisina.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Christine Dupale Mapoy, rank 8 sa naturang pagsusulit na ang kagustuhan niyang mag-aral sa medicine ay para sa pangarap nitong maging isang OBGYNE.
Sa ngayon ay matutulungan na din aniya niya ang kanyang ina na isa ring midwife sa kanilang sariling birthing center na naging inspirasyon niya para kumuha ng kursong midwifery bilang nag-iisang anak na babae.
Si Mapoy ay nagtapos sa Florencio Vargas College nitong 2022 at kumuha ng licensure examination sa Baguio City na may 88.65 na rating.
Bagamat ipinagdasal ay hindi pa rin aniya siya makapaniwala na mapabilang ito sa national topnotcher dahil tanging inasam lamang umano niya ay ang makapasa.