Hinatulan ng Manila Regional Trial Court (RTC) si customs broker Mark Taguba II at tatlong iba pa may kaugnayan sa smuggling ng 602.279 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng PHP6.4 billion noong May 2017.
Sa 88 pahinang desisyon ni Judge Alma Crispina Lacorte ng Manila RTC Branch 21, bukod sa pagkakakulong ng 20 hanggang 40 taon, inatasan din niy si Taguba at mga kapwa niya akusado na magbahayad ng PHP50 million para sa bawat tatlong reklamo na saklaw sa consolidated decision.
Kabilang sa mga napatunayang guilty o nagkasala sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ay sina Eirene Mae Tatad, Fidel Dee at Dong Yi Shen, alias “Kenneth Dong.”
Sinabi ni Lacorte na nananatiling at-large ang iba pang akusado at kailangan na isailalim pa sa arraigment.
Ang kaso ay may kaugnayan sa smuggling ng illegal drugs mula sa na itinago sa limang metal cylinders at warehouse sa Valenzuela City na kinuha sa Manila International Container Port (MICP) sa Port Area.
Pagmamay-ari ni Taguba ang Strike Logistic, Inc., ang trucking service na nagdala ng container van MCLU6001881 na lulan ang mga illegal drugs mula sa MICP patungo sa warehouse ng Hong Fei Logistics, kung saan general manager si Chen Julong.
Siya rin ang gumawa ng paraan para mailabas ang shipment mula sa Bureau of Customs at kinuha ang serbisyo ni Marecellana.
Samantala, pagmamay-ari naman ni Tatad ang EMT Trading, ang importer/consignee ng MCLU6001881.
Pinahintulutan niya na gamitin ni Taguba ang kanyang kumpanya kapalit ng bayad bilang isang consignee for hire.