Reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong pa rin ang mabisang parusa para sa mga kasong may kaugnayan sa panggagahasa o rape.
Reaksiyon ito ni re-elected City Councilor Atty. Marjorie Poblete Martin kaugnay sa mainit na usapin ng pagbuhay sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.
Sa paliwanag ni Atty Martin, sinabi niya na bukod sa hindi mapagdudusaan ng matagal ng isang akusado ang nagawang kasalanan ay hindi rin makasisigurong wala nang magyayaring kaso ng panggagahasa kung maibabalik ang parusang bitay.
Ayon kay Martin, pinakamabigat pa rin na parusang mararansan ng bawat akusado ang reclusion perpetua dahil habang buhay niya itong pagdudusaan sa kulungan.
Matatandaang ikinabahala ang pagtaas ng bilang ng rape slay cases sa bansa kabilang na ang sunud-sunod na naitala ng pulisya na panggagahasa sa lalawigan ng Cagayan.