Nagsimula na ang dalawang araw na itinuturing na pinakamahirap na national college entrance exam sa China.
Maraming high school students mula sa iba’t ibang bahagi ng China ang kumukuha ng nasabing exam na tinawag na “gaokao,” ang pinakamalaking academic test sa mundo.
Mahigit 13.4 million na estudyante ang nagparehistro sa nasabing exam ngayong taon, nalampasan nito ang record nitong nakalipas na taon na 12.9 million.
Ilang taon ang ginugugol ng mga Chinese students sa pag-aaral para sa nasabing mahirap na pagsusulit dahil ang mataas na score ang tanging paraan upang makapasok sa top universities ng bansa.
Kabilang sa mga subjects sa exam ay Chinese literature, math, English, physics, chemistry, politics at history.
Isang beses lang maaaring kumuha ng nasabing exam, hindi tulad sa US students na maaari pa silang kumuha ng SAT exams.
Sa unang araw ng exam kahapon, matiyagang naghintay ang mga magulang sa labas ng gates ng paaralan para suportahan ang kanilang mga anak.
Marami sa mga magulang at mga guro ang nakasuot ng pulang damit, ang kulay ng tagumpay sa China, at ang iba ay may hawak pang sunflowers na sinasabing simbolo ng tagumpay sa academic.