Nagbabala ang mga ekonomista at manufacturer na maaaring higit pang maapektuhan ang mga mamimili dahil sa record-low na piso at mataas na borrowing costs.

Sumadsad sa ₱62.265 kada US dollar ang piso noong Agosto 28. Ayon sa Federation of Philippine Industries, maaaring tumaas ang gastos ng mga negosyo dahil umaasa ang mga manufacturer sa imported na raw materials, fuel at kagamitan.

Paliwanag ng mga eksperto, kapag humina ang piso, mas nagiging mahal ang imported fuel, pagkain at production materials, na maaaring ipasa sa presyo ng mga produkto.

Bagama’t maaaring makinabang ang mga pamilyang tumatanggap ng remittances dahil mas mataas ang halaga nito kapag ipinapalit sa piso, maaari namang lumiit ang purchasing power ng mga consumer kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo.

Hinimok ng mga manufacturer ang pamahalaan na bawasan ang mga gastusing maaari nitong kontrolin, kabilang ang delays sa clearance ng imported manufacturing inputs at port handling.

-- ADVERTISEMENT --