Binigyang diin ng Philippine Navy ang kahalagahan ng recruitment ng mahigit 100 bagong reservists sa Batanes bilang isang hakbang sa pagpapalakas ng pwersa ng pamahalaan laban sa mga bansang gustong sumakop nito.
Bagamat hindi direktang tinukoy ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr ang sigalot sa pagitan ng China at Taiwan na dahilan ng recruitment, subalit sinabi niya na magiging katuwang ng sandahang lakas ng Pilipinas ang 119 reservist sa isla sa pagprotekta sa bansa.
Inaasahan na sila ang unang reresponde sakaling madamay ang isla sa lumalalang tensyon dahil malapit lamang ang Batanes sa Taiwan na inaangkin ng China.
Bukod sa pagpapalakas sa maritime security, sinabi ni Batanes Gov Marilou Cayco na isa rin reservist ang mahalagang tungkulin ng naval reservist sa pagtugon sa mga kalamidad naturang isla.