TUGUEGARAO CITY- Matagal na umanong nangyayari ang recruitment sa mga agta at iba pang miembro ng Indigenous People na walang pinag-aralan para sumama sa mga rally.

Sinabi ng isang chieftain ng mga agta sa Cagayan na tumangging magpakilala na madalas umanong hinihikayat ng mga grupo na kritiko ng pamahalaan ang mga agta na sumama sa mga rally kapalit ng pera.

Subalit sinabi niya na kadalasan din ay hindi tinutupad ng mga kumukuha sa mga agta para sa mga rally ang kanilang pangakong pera.

Sinabi ng chieftain na matagal na niyang sinubaybayan ang ganitong ginagawa sa mga kapwa niya agta at nang malaman na may dadalhin na sa Maynila nitong Sabado ay agad siyang nagbigay ng tip sa mga otoridad.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ng chieftain ng agta

Isiniwalat din ng chieftain na may isang lider ng agta na hindi niya pinangalanan na siyang naglilibot sa buong Cagayan para mag-recruit ng mga agta.

Ayon sa kanya, siya umano ang nagsisilbing focal person ng mga grupo para sa recruitment.

muli ang chieftain

Idinagdag pa ng chieftain na tiyak na aalamin ng grupo na nagre-recruit kung sino ang nagbigay ng tip sa mga otoridad na nagbunsod para mapigilan ang 48 na agta na madala sa Maynila.

ang tinig muli ng chieftain

Dahil dito, nanawagan ang chieftain sa pamahalaan ang agta community upang maiangat ang kanilang pamumuhay at hindi sila madaling mahikayat ng mga mapagsamantalang mga tao.