
Itinanggi ni Executive Secretary Ralph Recto ang paratang ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may tawag umano si Recto na naging dahilan kung bakit walang naaprubahang bicameral conference committee report para sa pagtaas ng minimum wage.
Sinabi ni Leviste na ipinaalam umano ng Senado sa mga labor group at ilang miyembro ng Kongreso sa huling araw ng ika-19 na Kongreso na si Recto ang tumawag tungkol sa usapin.
Ngunit nang tanungin tungkol dito, sinabi ni Recto na wala itong katotohanan.
Nauna nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na magpapataw ito ng multang ₱24 bilyon sa Solar Philippines Power Projects, na itinatag ni Leviste, dahil sa hindi pagtupad sa mga obligasyon nito.
Ayon pa kay Leviste na sinabi rin ng Senado sa ibang mga labor group at mga kongresista sa huling araw ng ika-19 na Kongreso na kaya hindi naaprubahan ang bicam report para sa pagtaas ng minimum wage ay dahil tumawag si Secretary Ralph Recto.
Hindi nagkasundo ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa halaga ng umento sa minimum wage.
Nais ng Kamara ang ₱200 kada araw na dagdag
Samantalang kalahati lamang nito ang panukala ng Senado
Dahil dito, nag-adjourn sine die ang Kamara nang hindi nararatipika ang panukalang batas.
Ipinahiwatig din ni Leviste na may kaugnayan ito sa usapin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.










