Mula sa blue alert, itinaas sa red alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang kanilang Operations Center dahil sa Bagyong Tino.

Kasunod nito, naka-duty na sa NDRRM Operations Center ang mga kinatawan mula sa AFP, BFP, PCG, PNP at PAGASA para sa 24-oras na pagbabantay at koordinasyon.

Pinatitiyak naman sa mga regional DRRM councils ang tuloy-tuloy na monitoring, paghahanda at pagsusumite ng ulat sa NDRRMC.

Pinayuhan ang publiko na manatiling alerto at makinig sa mga abiso ng lokal na pamahalaan.