Nananatiling nakataas sa red alert status ang Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) dahil sa bagyong “Nika”.

Kasabay rito, itinaas na rin ang “Charlie Protocol”, nangangahulugang ativated na lahat ang mga local DRRM.

Inaatasan din ang lahat ng Local Chief Executive (LCE) na i-monitor ang kanilang nasasakupang lugar kaugnay sa bagyong “Nika”.

Ang lahat ng mga Municipal DRRM, Barangay DRRMC at iba pang ahensiya ng gobyerno na agad magsagawa ng pre-emptive o force evacuation sa mga lugar na posibleng magkaroon ng landslide at pagbaha.

Samantala, kanselado na rin ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ngayong araw ng Lunes bilang paghahanda sa magiging epekto ng bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat kanselado ang pasok ng mga mag-aaral, hindi naman kasama rito ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.