Tuguegarao City- Apat na ang itinuturing na Person Under Investigation dahil sa novel coronavirus sa Region 2.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pauline Atal ng DOH Region 2, nanggaling ang panibagong dalawang pasyente sa bakasyon sa Hongkong at Macau at dumating noong Enero 29 kaya’t agad umano silang nagpa-check up sa ospital.

Sa ngayon ay nasa isolation room ang mga ito at patuloy namang inoobserbahan ang mga ito.

Samantala, bumuo na ang DOH ng Regional Task Force on nCOv.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa ilang kaukulang ahensiya kasama rin sa task force ang Barangay Emergency Response Team upang mabilis na ma-trace ng mga otoridad ang mga galing sa ibang bansa lalo na ang mula sa mga bansa na kumpirmadong kaso ng nCov.