TUGUEGARAO CITY-Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment(DOLE)Region 2 ang mataas na employment rate dito sa Lambak Cagayan

Sinabi ni Atty.Sarah Bueno Mirasol,director ng DOLE Region 2 na 96.0 percent ang employment rate sa rehion ngayong 2019 habang 3.1 percent naman ang unemployment rate

Kasabay nito, sinabi ni Mirasol na bahagyang mataas pa rin ang underemployed na nasa 15.5 percent lalo na sa agricultural sector

Bukod dito,malaki aniya ang job mismatch sa retail service na isa sa kanilang tinutugunan

Samantala, sinabi ni Mirasol na libo-libong manggagawa ngayon ang kailangan ng Japan na kinabibilangan ng caregovers,food service,construction, accomodation industry at agriculture sector

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay matapos na aprubahan ang bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan