Napanatili ng Cagayan Valley ang pagiging Top Producing Region sa mais at Top 2 rice producer sa buong bansa noong 2023.
Sa datos na iprinisinta ni Department of Agriculture(DA)RED Rosemary Aquino, noong nakaraang taon ay umabot sa mahigit 2M metriko tonelada ang produksyon ng mais sa rehiyon at ito ay 23% sa national production.
Habang sa palay production, pumalo sa mahigit tatlong milyong metriko tonelada o katumbas ng 17 percent sa national production.
Ayon kay Aquino na bagamat pangalawa ang rehiyon dos sa rice production ay pinakamataas pa rin ito sa sufficiency level na umabot sa 304%.
Dagdag pa ni Aquino, kilala pa rin ang rehiyon sa apat na commodity capitals na kinabibilangan ng San Mateo, Isabela bilang Mongo capital bansa; City of Ilagan, Isabela bilang corn capital; Enrile, Cagayan bilang peanut capital; at Kasibu, Nueva Vizcaya bilang citrus capital.