TUGUEGARAO CITY-Zero positive case na ang buong Region 2 sa coronavirus disease (COVID-19) matapos magnegatibo sa pangalawang swab test ang panghuling kaso ng virus na mula sa Isabela.
Ayon kay Oliver Baccay ng Philippine Information Agency (PIA)-Region 2, kaninang madaling araw ay natanggap ng Regional Epidemiology & Surveillance Unit ang resulta ng swab test ni PH 4805 kung saan ito ay negatibo sa nakakamatay na virus.
Dahil dito, wala nang confirm positive case ang buong Region 2.
Sa kabila nito, sinabi Baccay na huwag maging kampante dahil may mga suspected at probable case pa rin ang Region 2 kung kaya’t sumunod sa mga alituntunin ng pamahalaaan at manatili lamang sa mga tahanan para hindi mahawaan ng virus.
Aniya, mula sa 17 suspected patient o mga pasyenteng nakitaan ng sintomas ng covid-19 na nasa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ay sampu na dito ang nagnegatibo.
Inaantay na rin ang resulta ng pitong iba pa habang minomonitor ang kanilang kalagayan sa naturang pagamutan.