Pinag-iingat ng regional anti-cybercrime unit 2 ang mga estudyante laban sa pakikipagrelasyon online.
Paliwanag ni Regional Anti-Cybercrime Unit Asst Chief, PLtCol Rovelita Aglipay na mayroong mga inisidenteng nailapit sa kanila na may mga estudyanteng nakaranas ng pangbabanta at panggigipit ng kanilang mga nakakarelasyon online.
Isa aniya dito ang posibilidad ng teacher-to-student relationship lalo na at may mga pagkakataon na nagkakausap ng personal ang estudyante at kanyang guro.
Dagdag pa rito ang pakikipagrelasyon ng mga ito sa mga hindi kakilala ngunit naenganyo lamang sila sa kanilang online profile.
Ayon kay Aglipay, posibleng humantong sa pagkikita, pagpapalagayan ng loob at sexual relationship ang pag-uusap lamang sa online na minsan ay nauuwi din sa pangingidnap o pangmomolestiya.
Pinayuhan nito ang mga estudyante , mga magulang at mga board passers na iwasang magpost ng personal identity o profile kabilang ang PRC license o resulta ng board exam, schoold ID para sa mga mag-aaral at maging ang kanilang report card na madalas na kasama ang personal profile.
sinabi niya na nagbibigay lamang ito ng pagkakataon para sa mga cyber criminals para mangbiktima lalo na sa mga kumakalat ngayon na scam.
Apela nito sa publiko na huwag gawing personal diary ang Facebook, dahil sa dumarami ang uri at paraan ng cybercrime na naitatala ng PNP.