Nagkaroon ng pagpupulong ang regional council for mental health ng department of health o doh region 2
Ayon sa doh na layunin ng pagpupulong ng mga stakeholders mula sa government at private sectors na maisulong ang mental health advocacy sa buong rehiyon.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Regional Director Amelita Pangilinan ng doh sa rehiyon ang mga pangunahing hakbang sa pagsulong ng mental wellness at pagbabawas ng stigma na kinabibilangan ng self-awareness at pag-aalaga bilang crucial na aspeto sa pagsusulong ng mental health.
Inihayag din ni Pangilinan ang kahalagahan ng physical health gayundin ang openness at acceptance sa paglaban sa metal health stigma
Hinikayat rin niya ang council na itaguyod ang mental health advocacy sa pamamagitan ng self-awareness, empathy at pagkakaroon ng supportive network.
Ang nasabing pagpupulong ay alinsunod sa Mental Health Act kung saan sinamantala rin ang pag-update sa sitwasyon ng mental health sa rehiyon at presentasyon ng mga kasaping ahensiya sa kanilang mga inisyatiba para matugunan ang nasabing sularanin