
Pinangunahan ngayon ni Regional Development Council (RDC) Chairperson at Apayao Governor Elias C. Bulut, Jr. ang RDC-Cordillera Administrative Region Advisory Committee Meeting sa House of Representatives, Batasan Complex sa Quezon City ngayong araw na ito.
Kabilang sa mga agenda sa pulong ang endorsement ng Fiscal Year 2025 budgets para sa CAR Regional Line Agencies at State Universities and Colleges, ang pagkumpleto sa RDC-CAR building, updates at work plan para sa Social Preparation of CAR into an Autonomous Region (SPCAR) program, ang estado ng House Bill 3267, RDC-CAR priority programs and projects para sa 2023-2028, at ang 2023 CAR economic performance.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni RDC Chair Bulut ang mga mahahalagang inisyatiba na ginawa ng RDC sa nakalipas na taon, tulad ng pag-apruba sa Cordillera Regional Development Plan (CAR RDP) 2023-2028, pag-endorso sa Regional Development Investment Program (RDIP), mahahalagang economic progress sa CAR sa nakalipas na tatlong taon, at ang mga pagsisikap sa autonomy advocacy para ihanda ang CAR sa pagiging autonomous region.
Binigyan diin niya na sa pamamagitan ng kanilang collaboration, tutugunan nila ang mga nananatiling hamon na hinaharap ng CAR.
Sinabi din niya na sa umaasa siya na mapananatili ng CAR ang positibong momentum kasabay ng pagpapatuloy ng pagtahak sa landas patungo sa inclusive, mayaman, at resilient Cordillera.




