Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Regional Inter-agency Task Force (RIATF) sa National Commission on
Indigenous People (NCIP) kaugnay sa implimentasyon ng vaccination program.
Ito ay dahil sa mataas na vaccination hesitancy sa hanay ng mga katutubo partikular na sa bayan ng
Cayapa, Casibu at Sta. Fe sa Nueva Vizcaya.
Ayon kay Dr. Rio Magpantay, director ng DOH Region 2, kabilang sa nakakaapekto sa mababang acceptance
sa COVID-19 vaccination ay ang paniniwala ng mga katutubo.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin ang Task Force anti COVID-19 sa mga local chief executives upang
maipaliwanag ang kahalagahan ng pagbabakuna.
Inihayag nito na mas mataas ang pagtanggi ng mga IPs kumpara sa mga senior citizen na unti unti ng
nahihimok na magpabakuna para sa kanilang proteksyon.
Panawagan ng director sa lahat ng mga IPs na tangkilikin ang pagpapabakuna at huwag matakot dahil ito
ay proteksyon lalo pa at mayroon ng bagong natuklasan na omicron variant na itinuturing na mas
mapanganib na mutation ng virus.