May natukoy na ang Regional Joint Security Control Center (RJSCC) na inisyal na listahan ng mga lugar na posibleng mapasama sa areas of concern sa election.

Batay sa datos ng Regional intelligence division na ibinahagi ni Atty.Ederlino Tabilas, Regional Director ng Commision on Elections o COMELEC Region 2, siyam ang nasa yellow category na kinabibilangan ng Aparri, Piat, Enrile, at Tuguegarao City dito sa Cagayan, San Mateo, Benito Soliven, San Isidro, Burgos, at Mallig naman sa probinsiya ng Isabela.

Sa ilalim ng yellow category, ito ay mayroong history ng assault, shooting incident, at intense political rivalry sa nakalipas na halalan.

Nasa labing lima naman ang nasa orange category kung saan nakasama dito ang bayan ng Alcala, Baggao, Buguey, Gattaran, Gonzaga, Lasam, Penablanca, Rizal, Sta.Teresita, Sto.Nino at Tuao dito sa Cagayan.

Ganunrin sa Ilagan City, San Guillermo, San Mariano at San Pablo sa lalawigan ng Isabela.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa RJSCC, ang orange category ay ang mga lugar na amy history ng serious armed threat, burning incident, serious armed threat encounters, CPP-NPA-Terrorist activities, shooting incident, intense political rivalry, malicous mischief, vandalism at iba pa.

Samantala dalawa naman ang under red category kung saan ito ang bayan ng Jones at Maconacon sa lalawigan ng Isabela dahil sa mga election related incident gaya ng monitored CPP-NPA-terrorist activities at serious physical injuries.

Matatandaan na isinailalim sa comelec control ang bayan ng Jones sa Isabela noong 2019 local elections dahil sa banta ng mga makakaliwang grupo.

Paliwang ni Tabilas, maaring mabago ang listahan dipende sa magiging peace and order situation hinggil sa gaganaping May 2025 elections.