Phase 2…CPPO CDM Contingent

Nai-post ni Meng Cauilan noong Martes, Abril 30, 2019

TUGUEGARAO CITY – Back-to-back over-all champion ang Regional Mobile Force Batallion 2 sa ginanap na 2nd Regional Civil Disturbance Management (CDM) competition 2019 bilang paghahanda sa mga isasagawang pagkilos o rally ngayong Labor Day.

Anim na grupo mula sa ibat-ibang police offices sa rehiyon ang naglaban-laban sa kumpetition ngayong taon na kinabibilangan RMFB-2, Quirino Police Provincial Office, Cagagayan PPO, Isabela PPO, Nueva Vizcaya PPO, Santiago Police Station.

Nasungkit naman ng Cagayan PPO ang 1st Runner-up Overall Champion habang 2nd Runner-up Overall Champion ang Santiago PNP.

Tumanggap ng cash at trophy ang mga nanalo sa kompetisyon.

Matatandaan na nasungkit ng RMFB-2 ang kampeonato sa 2018 CDM competion.

-- ADVERTISEMENT --

Sa panayam ng Bombo Radyo, ipinagdiinan ni Police Brig. Gen. Jose Mario Espino, regional director ng PRO-2 ang kahalagahan ng police operational procedure sa pagtugon sa mga rally.

Pinaalalahanan ni Espino ang mga pulis sa paggalang sa karapatang pantao at pagpapatupad ng maximum tolerance sa panahon ng mga demonstrasyon.

Samantala, pinapurihan ni Atty Jimmy Baliga, director ng Commision on Human Rights RO2 ang maayos na civil disturbance management procedure.

Sinabi ni Baliga na makakatulong ang ganitong istratehiya ng pulisya upang masigurong maayos na matugunan ang posibleng gulo na mangyari sa mga kilos-protesta at public disturbance.