Arestado ang isa sa mga tinaguriang Regional Top 9 Most Wanted Person dahil sa tatlong bilang ng kasong statutory rape sa bayan ng Piat, Cagayan kahapon, Hulyo 7.

Kinilala ang suspek sa alyas na RJ, 21 taong gulang, isang magsasaka at may live-in partner, na residente rin ng nasabing bayan.

Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na walang inirekomendang piyansa dahil sa bigat ng mga kasong kinahaharap nito.

Matapos ang pag-aresto, maayos na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at dinala sa Piat Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Nakatakda siyang i-turn over sa korte na may hurisdiksyon sa kanyang kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa PNP, ang operasyon ay resulta ng mahusay na koordinasyon, maingat na pag-iipon ng impormasyon, at epektibong implementasyon ng warrant of arrest.