TUGUEGARAO CITY-Nai-distribute na ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command (AFP-NolCom) ang mga registration kits para sa implementasyon ng National Identification system.

Ayon kay Major Miko Magisa, tagapagsalita ng Nolcom na sa kabuuang 1,523 registration kits ang naihatid sa Philippines Statistics Authority (PSA) sa probinsya ng Bulacan, Zambales, Isabela ,Tarlac, Pangasinan, Pampanga, Nueva Ecija, La union, Ilocos Sur, Bataan at dito sa lalawigan ng Cagayan.

Kabilang sa 11 probinsya sa 32 lalawigan na prioridad sa pagsagawaan ng pre-registration para sa Philippine Identification system (PhilSys).

Aniya, natapos na ang ang distribution nitong Nobyembre 9, 2020 na sinimulan noong Oktubre 30,2020 alinsunod sa kahilingan ng National Economic Development Authority (NEDA).

Kaugnay nito, tiniyak ng NolCom ang kanilang suporta lalo na sa security aspect sa actual registration na sisimulan sa Nobyembre 25.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang diin ni major Magisa na malaking tulong ang ID system sa kampanya ng kasundaluhan laban sa terorismo dahil mas madaling matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nagbabalak maghasik ng karahasan.

Ang Philippine Identification system (PhilSys) act ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2018 kung saan target ng PSA na mairegister ang 5 milyong pinoy ngayong taon.

Nabatid na mauunang manuunang sasailalim sa registration ang mga benipisaryo ng Pantawid pamilyang Pilipino program (4Ps).

Kaugnay nito, nagsasagawa na ang PSA-R02 ng pagsasanay sa mga mangangasiwa sa gaganaping pre-registration dito sa rehiyon. with reports from Bombo Marvin CAngcang