Tiniyak ng National Meat Inspection Service (NMIS) Region 2 na regular ang kanilang inspeksyon sa mga slaughterhouses at meat processing sites sa rehiyon.

Ayon Dr. Ronnie Ernst Duque, director ng NMIS Region 2 na layon nitong masiguro na naipatutupad ang mga mga programa at regulasyon para sa kalinisan at kaligtasan ng mga produktong karne sa merkado.

Bukod sa pagsusuri ng karne, mahigpit din ang pagpapatupad sa mga regulasyon tungkol sa kalinisan at tamang paghawak ng karne ng mga meat handlers at vendors.

Aktibo rin ang ahensya sa pakikipagtulungan sa mga LGUs at iba pang ahensya ng gobyerno upang labanan ang pagpasok ng smuggled o hindi lisensyadong karne na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng publiko.

-- ADVERTISEMENT --