Binigyang diin ni Regulatory Division Chief Remedios dela Rosa, ng DA Region 02 na Aktibo ang Regulatory Division ng DA Regional Field Office na nakikipag-ugnayan sa samahan ng mga magsasaka sa rehiyon upang isulong ang kaligtasan ng mga pagkain.
Ayon sa kanya, dati-rati ay nag-aanyaya lamang sila ng mga kinatawan sa bawat barangay o bayan para sa kanilang food safety advocacy, ngayon ay direkta na silang nakikipag-ugnayan sa mga Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) upang ipalaganap ang nilalaman ng RA 10611 o Food Safety Act of 2013, na layuning palakasin ang sistema ng food safety regulation sa bansa upang pigilan o bawasan man lang ang peligro sa mga pagkain mula sa pagtatanim o pag-aalaga hanggang sa ito ay makarating sa merkado.
Kaugnay nito, ipinatutupad ng Regulatory Division ng DA ang Philippine National Standard Code of Good Agricultural Practices.
Kung saan nilalaman nito ang checklist ng mga nararapat at katanggap- tanggap na gawain sa pagtatanim, pag-aalaga ng mga hayop at pangisdaan.