
Nagsumite ng referral ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman laban kay dating senador Bong Revilla Jr., negosyanteng Maynard Ngu, at ilang indibidwal kaugnay ng umano’y anomalya sa mga proyekto sa flood control.
Ayon sa ICI, inirerekomenda nila ang pagsasampa ng mga kasong may kinalaman sa posibleng panunuhol, korapsyon, plunder, at iba pang administratibong paglabag.
Nakatakda ring isumite ng komisyon ang karagdagang ebidensya na maaaring magresulta sa mas marami pang reklamo laban kina dating DPWH Secretary Manuel Bonoan; dating Undersecretaries Roberto Bernardo at Catalina Cabral; dating kongresista Zaldy Co; at ilang dating district engineers sa Bulacan.
Bukod dito, hiniling ng ICI sa Ombudsman na magsagawa pa ng mas malalim na imbestigasyon laban kina Senador Francis “Chiz” Escudero, dating senador Nancy Binay, dating Senate finance chairperson Grace Poe, at Senador Mark Villar, na nagsilbi ring kalihim ng DPWH.
Tiniyak ng komisyon na anumang karagdagang ebidensya na kanilang makakalap ay agad na isusumite sa Ombudsman para sa pagpapatibay ng kaso.










