Ang rekomendasyon ng House Quad Committee na magsampa ng kasong kriminal laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga opisyal ng war on drugs ay isang “positibong hakbang” sa paghahanap ng katarungan para sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJK), ayon kay Atty. Neri Colmenares.

Ayon kay Atty. Neri Colmenares, legal na tagapayo ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK sa imbestigasyong isinagawa ng Kongreso, mahalaga ang ginampanang papel ng House investigation sa “pagpapatibay” ng matagal nang mga pahayag ng mga grupong pangkarapatang pantao.

Pinuri ni Colmenares ang patuloy na paglaban ng mga pamilya ng mga biktima, at binigyang-diin ang kanilang mahalagang papel sa pagpapalakas ng pagnanais ng Kongreso na panagutin ang mga nagdisenyo at nagpapatupad ng war on drugs.

Dagdag pa niya, ang EJKs ay hindi “isolated case,” gaya ng ipinakita sa imbestigasyon ng Kongreso, kundi bahagi ng isang “marahas” na kampanya na isinagawa sa pahintulot ng dating Pangulo.

Bagamat ipinahayag ng mga lider ng Quad Committee na hindi sila makikipagtulungan nang direkta sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) tungkol sa war on drugs, sinabi ni Colmenares na ang imbestigasyon ng Kongreso ay dapat “komplementaryo, hindi pamalit,” sa mga pagsusumikap ng ICC.

-- ADVERTISEMENT --