Tuguegarao City- Naisantabi umano ang mga rekomendasyon ng Sanguniang Panlalawigan ng Cagayan bago ang pagsisimula ng Cagayan River Restoration Project.

Ayon kay 3rd District Board Member Mila Lauigan, hindi rin naimbitahan ang Sanguniang Panlalawigan sa pag-papasinaya ng proyekto.

Bago aniya nito ay unang naghain ng kahilingan si Gov. Manuel Mamba sa Sanguniang Panlalawigan para pumasok sa kasunduang makapagsagawa ng dredging operation sa ilog Cagayan katuwang ang mga pribadong kumpanya at mga concerned agencies.

Ito ay upang mapalalim at matanggal ang mga nakaharang na nagpapabagal sa pagdaloy ng tubig at nagdudulot ng mabilis na pagbaha sa probinsya.

Subalit nang isagawa ang pagpapasinaya ay hindi binalewala umano ang sangguniang panlalawigan.

-- ADVERTISEMENT --
tinig ni Lauigan

Iginiit ni Lauigan dapat na mapag-aralan muna sana ang master dredging plans ng mga kumpanyang nais magsagawa ng operasyon sa ilog bago ito sinimulan.

Bukod pa rito ay kailangan muna sanang mapag-aralan din ang mga valuable minerals na maaaring makuha rito at mapakinabangan ng probinsya bago pa ito mapunta sa iba.

Saad pa niya na nakapaloob sa probisyon ng isang ordinansa sa probinsya na kailangang lahat ng uri ng dredging na gagawin ay dapat dumadaan din sa pagbusisi o pag-aaral ng sanguniang panalawigan.

Ito ay para magkaroon environmental impact assessment at malaman ang mga longterm advantage at disadvantage ng operasyon.

tinig ni Atty. Lauigan

Kaugnay nito ay nagpasa aniya siya ng resolution na humihiling ng pag-aaral mula sa College of Science ng University of the Philippines, mga NGOs at iba pang environmental groups upang makakuha ng samples mula sa ilog at pag-aralang mabuti ang mga minerals na maaring makuha at mapakinabangan dito.

Nilinaw naman ni Lauigan na wala siyang hinanakit o pagtutol sa kagustuhang masulusyonan ang matinding epekto ng pagpaha sa probinsya ngunit dapat lang na sanguniin din sila at dumaan sa tamang proceso.

tinig ni Atty. Lauigan