Nagiging hadlang sa relief efforts ng pamahalaang lokal ng Calayan, Cagayan sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Egay ang patuloy na nararansan sa isla na malakas na hangin dahil sa Habagat.

Sinabi ni Mayor Joseph Llopis, hindi sila makagalaw para magdala sana ng mga relief good at mga materyales para sa repair ng mga nasirang mga bahay sa mga island barangays dahil sa malalakas na alon.

Nagpapasalamat si Llopis sa tulong ng AFP at PNP dahil una na silang nakapagpadala ng relief goods isla ng Babyan Claro, Dalupiri at Camiguin subalit sa ngayon ay hindi sila makapaglayag dahil sa masama ang panahon sa kanilang bayan.

Kasabay nito, sinabi ni LLopis na marami naman silang natanggap na mga family food packs at non-food items ay nababahala siya dahil sa paubos na rin ang mga basic commodities sa kanilang bayan bagamat marami pa silang supply ng bigas dahil walang makapaglayag sa mainland para mamili.

Sa ngayon, sinabi ni Llopis na 25 percent lamang ang naibabalik na supply ng kanilang kuryente bunsod ng mga natumbang mga poste at mga naputol na mga kawad.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ni Llopis na mangangailangan sila ng malaking halaga para sa rehabilitation ng mga nasirang mga imprastraktura at mga ari-arian at sa mga ibibigay na ayuda sa mga naapektohan ng bagyo.

Sa mga nasirang ay 500 ang totally damaged at 3, 700 naman ang partially damaged at 100 ang mga nasirang mga bangka ng mga mangingisda at nasira din ang kanilang sea port at maraming silid-aralan.

Ayon sa kanya, hindi sasapat ang mga naibigay na paunang tulong mula kay Pangulong Ferdinand Marcos, mula sa kamara at maging sa isang senador dahil sa buong Calayan ay pinadapa ng supertyphoon Egay.