TUGUEGARAO CITY- Nakatakdang ipamahagi sa bayan ng Baggao, Cagayan ang mga relief goods na nabili mula sa mga cash donations sa Bombo Radyo Philippines Foundation, Inc.
Kanina ay ipinasakamay ng Bombo Radyo Tuguegarao ang relief goods sa Archdiocese of Tuguegarao na tinanggap ni Fr. Carlos Evangelista, finance Administrator ng nasabing simbabahan.
Ayon kay Fr. Evangelista, dadalhin ang mga nasabing goods sa Baggao na matinding naapektuhan ng matinding pagbaha sa Cagayan.
Sinabi niya na napapanahon ang mga ibinigay na hygiene kits at iba pa dahil ito ang kailangan ngayon ng mga residente na nawalan ng mga tirahan at ngayon ay tinutulungan ng simbahan na muling makapagpatayo ng kanilang mga bahay.
Idinagdag pa ni Fr. Evangelista, ipapasakamay naman ang mga nasabing goods sa St. Joseph the Worker sa pamumuno ni Fr. Gerard Perez sa San Jose, Baggao.
Ang nalikom na cash donations ay umabot sa P56,000.