
Bukas si Interior Secretary Jonvic Remulla sa pakikipagdayalogo sa True Brown Style o TBS, pero iginiit na dapat munang magpakita ang grupo ng commitment na itigil ang umano’y kriminal na aktibidad.
Ito ang sinabi ni Remulla matapos igiit ng TBS na hindi dapat lahatin ang kanilang mga miyembro bilang kriminal.
Ayon sa kalihim, hindi sapat ang mga charity activity para mabura ang mga alegasyon ng paglabag sa batas.
Sinabi rin ni Remulla na mayroon nang listahan ang mga awtoridad ng mga indibidwal na umano’y sangkot sa grupo.
Samantala, iginiit ng TBS na marami sa kanilang miyembro ay mga propesyonal, manggagawa, magulang at negosyante na sumusunod sa batas.
Nanawagan ang grupo na papanagutin ang mga gumagawa ng krimen, ngunit dapat anila itong suportado ng ebidensya at dumaan sa due process.




