Kinuwestiyon ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla kung saan nagmula ang ₱560.5 milyong remittances na pumasok sa mga bank account ni dating House Speaker Martin Romualdez mula 2022 hanggang 2025.

Ito ay matapos tumestigo ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na hindi nagmula sa DPWH, mga contractor o kay dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co ang naturang halaga.

Ayon kay Remulla, hindi nangangahulugang AMLC lamang ang nakaaalam sa pinagmulan ng pera at iginiit niyang hindi nito pinahihina ang kasong ₱7.4 bilyong plunder laban kay Romualdez at iba pa.

Dagdag pa ng Ombudsman, marami pa silang testigong ihaharap kaugnay ng umano’y flood control kickback scheme.