Nanumpa na si outgoing Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaninang umaga bilang bagong Ombudsman kay Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen.

Bago ang kanyang panunungkulan sa Justice Department, nagsilbi si Remulla na kongresista ng 3rd District ng Cavite mula 2004 hanggang 2010 at sa 7th District mula 2010 hanggang 2013.

Siya ay nahalal na gobernador mula 2016 hanggang 2019 at bumalik sa Kamara bilang kinatawan ng 7th District.

Nagsilbi din si Remulla na Senior Deputy Majority Leader mula 2019 hanggang 2022.

Tutukan ni Remulla ang maraming imbestigasyon sa Office of the Ombudsman, kabilang ang ginagawang imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, nagpahayag ng tiwala si Remulla na mananagot ang mga opisyal na sangkot sa korupsyon sa flood control projects.