
Nagpayo si House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na makabubuting manahimik na ang grupo o mga personalidad na nagbalak maghain ng ikatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Diin ni Adiong, walang katotohanan ang pahayag nina Atty. Ferdie Topacio at dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na hinarang ang kanilang reklamong impeachment laban kay President Marcos.
yon kay Adiong, ang totoo, wala silang nakuhang kongresista na mag-endorso ng kanilang impeachment complaint.
Paliwanag ni Adiong, pangunahing requirement sa paghahain ng impechment complaint na dapat ay mayroong mambabatas na mag-endorso.
Ayon kay Adiong, hindi naman pwedeng i-adjust ang patakaran ng House of Representatives at baguhin ang proseso dahil mayroong nagrereklamo gayong sila naman ang nagkaroon ng pagkukulang.










