Nagbitiw sa puwesto nitong Lunes si House Committee on Appropriations Chairman at AKO Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, isa sa pinakamakapangyarihang komite sa Kamara na nangangasiwa sa pondo ng bansa.

Sinabi ni Co na nagserbisyo siya sa abot ng kaniyang kakayahan para sa nakararami at isang malaking karangalan para pagkatiwalaan siya ng mas mabigat na responsibilidad sa pangangasiwa sa pondo ng bansa bilang serbisyo sa taumbayan at kaniyang mga constituent.

Nakatakdang ianunsyo ng liderato ng Kamara ang hahalili sa puwestong binakante ni Co.