Malakas ang alingawngaw na mapapalitan sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez.

Kinumpirma ng isang kongresista na si Isabela 6th District Rep. Faustino Dy III ang papalit kay Romualdez bilang speaker.

Ayon pa sa usap-usapan, alam umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalit ng liderato sa Kamara.

Subalit, hindi pa mabatid kung kailan mangyayari ang pagpapalit ng liderato.

May mga ulat na pumunta si Romualdez sa Malacañang kahapon, kung saan sinamahan siya ni Majority Floor Leader Sandro Marcos, ang anak ni Pangulong Marcos.

-- ADVERTISEMENT --

Sinasabing itatalaga bilang acting speaker si Dy ngayong araw na ito.

Lumbas ang usap-usapan sa posibleng pagbabago ng loderato matapos na tapusin ng Kamara ang kanilang sesyon kahapon na nagtagal lamang ng 30 minuto.

Si Romualdez, kasama si Ako Bicol Party-list Zaldy Co ay kabilang sa mga isinasangkot sa malawakang katiwalian sa ghost at flood control projects.