Naghain si Rep. Paolo Z. Duterte ng unang distrito ng Davao ng House Bill (HB) 10744 na kailangan na sumailalim sa random drug testing sa pamamagitan ng hair follicle test kada anim na buwan ang mga elected at appointed public officials.
Sinabi ni Duterte na tama lang na ang mga public officials at government employees ang unang magpatupad ng mandato sa ilalim ng konstitusyon sa pamamagitan ng pagsasailalim sa kanilang mga sarili sa accountability measures na magsisilbing kasangkapan sa pagtugon sa pagsasakatuparan ng nasabing mandato.
Saklaw ng nasabing panukalang batas ang mga elected at appointed public officials kabilang ang pangulo ng bansa.
Nakasaad din sa panukala ang boluntaryong random drug testing para sa mga kandidato sa halalan, 90 araw bago ang mismong eleksion.
Sinabi din sa panukala na ang mga otorisadong drug testing ay isasagawa ng anomang government forensic laboratories o alinmang drug testing laboratories na accredited at monitored ng Department of Health (DOH) upang matiyak ang kalidad ng resulta.