Nagpapatuloy ang isinasagawang rescue operations ng mga otoridad para masagip at mailikas ang mga residente na na-trap sa kanilang bahay dahil sa baha sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon kay LTCOL Fidel Macatangay, commanding officer ng Marine Batallion Landing Team-10 ng Philippine Marine Corps na marami pang mga residente ang hindi agad na nakalikas kasunod ng biglaang pagtaas ng tubig.
Katuwang ng marines sa rescue operations sa 22 na bayan sa lalawigan na nakararanas ng pagbaha ang Task Force Lingkod Cagayan, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at mga lokal Municipal Disaster Risk Reductiuon Management Office.
Gayonman, sinabi ni Macatangay na hindi naman nagsilbing balakid sa kanilang pagtulong ang kakulangan sa kagamitan at pag-ayaw ng ilang residente na mag-evacuate.