
Inilabas ng veteran columnist na si Ramon “Mon” Tulfo ang umano’y mga larawan na nagpapatunay na tumanggap si Health Secretary Ted Herbosa ng suhol mula kay CWS Rep. Edwin Gardiola.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Tulfo ang mga litrato ng pagtanggap umano ng kasambahay ni Herbosa ng nakakahong pera.
Ayon kay Tulfo, ang suhol ni Gardiola kay Herbosa ay umabot sa P60 milyon para umano manalo sa public bidding ng pagtatayo ng ospital.
Wala pang pahayag mula kay Herbosa at Gardiola tungkol sa alegasyon sa oras na naisulat ito.






