Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na walang kinalaman si First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanyang desisyon na magbitiw bilang kalihim ng Department of Education.

Ayon sa kanya, personal at dahil sa trabaho ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

Idinagdag pa niya na buhol-buhol ang mga dahilan ng kanyang pagbibitiw, subalit walang kinalaman si Araneta-Marcos.

Samantala, ipinasa na ni Duterte kay bagong DepEd Secretary Sonny Angara ang nasabing cabinet post sa isang seremonya kahapon.