Mas pinalawak pa ng Cagayan Provincial Disaster Risk and Redcution Management Office ang kategorya para sa gaganaping Resiliency Award 2024.

Sinabi ni Rueli Rapsing, head ng PDRRMO Cagayan na napagkasunduan sa isinagawang pagpupulong ng technical working group ang pagtanggap ng mga entries mula sa pribadong sektor at non-government organizations at hindi lamang mula sa mga municipal DRRMO sa lalawigan.

Ayon kay Rapsing lahat ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ay nakapagpadala na ng kanilang entries.

Sinabi pa ni Rapsing na natuwa din sila dahil marami ring entries mula sa pribadong sektor at sa NGOs.

Ayon kay Rapsing na magsasagawa ng validation ang technical working group sa mga isinumiteng entries ng mga kalahok upang matiyak na tunay ang mga ito at hindi lamang sa sulat.

-- ADVERTISEMENT --

SInabi ni Rapsing na isasagawa ang awarding sa susunod na buwan kasabay ng selebrasyon ng Aggao Nac Cagayan.

Kaugnay nito , ipinagmalaki ni Rapsing na ito ang kauna-unahan na Resiliency Award sa buong bansa na sinimulan nitong nakalipas na taon.

Ayon sa kanya, layunin ng nasabing hakbang na matiyak na laging handa sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng sitwasyon ang mga lokal na pamahalaan lalo na sa emergencies at kalamidad.