CTTO

TUGUEGARAO CITY-Umaasa ang konseho ng Tuguegarao na tatalima ang mga pribadong paaralan sa lungsod kung sakali na maipasa at maipatupad ang resolusyong naglalayong huwag munang maningil ng miscellaneous fee ngayong nakakaranas ng krisis dahil sa covid-19 ang bansa.

Ayon kay Vice Mayor Bienvenido De Guzman ng Tuguegarao, kailangan ang naturang resolusyon para matulungan ang mga magulang sa mga bayarin ng kanilang mga anak sa eskwelahan.

Aniya , may mga bayarin na hindi naman magagamit ngayong pandemic tulad ng computer laboratory, guidance fee, library fee, sports fee, athletic fee at marami pang iba dahil online class naman ang karamihan sa ipatutupad ng mga pribadong paaralan.

Kaugnay nito, sinabi ni De Guzman na may mga naimbitahan na ang kanyang tanggapan na mga pribadong paaralan ukol sa nasabing resolusyon at kasalukuyan nang pinag-aaralan.