TUGUEGARAO CITY-Hihilingin ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa Sanguniang Panlungsod na magpasa ng resolusyon na magbibigay ng discount ngayong buwan sa renta ng mga negosyante sa commercial center.

Ito ay bilang tulong sa mga negosyante sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa Covid-19 kung saan labis na naapektuhan ang ilang negosyo sa lungsod.

Bukod dito, naipasa na rin ang anti-hoarding at anti-panic buying ordinance sa lungsod.

Dahil dito, kailangang tiyakin ng mga establishimento lalo na ang mga grocery at drug store na sapat ang kanilang supply dahil tuloy tuloy naman na nagpapasok ang lungsod sa mga supplier.

Laman din ng ordinansa na walang establishimento na magtataas ng presyo ng mga bilihin.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa alkalde, mahaharap sa kaukulang parusa kasama ang pagtanggal ng permit ang sinumang mapapatunayang lalabag sa ordinansa.

Una rito, pinatanggal ni Mayor Soriano ang mga Barangay checkpoints at tanging ang mga boundary sa katabing mga bayan partikular ang Brgy. Carig norte, Buntun, Namabbalan maging sa boundary ng PeƱablanca at Tuguegarao ang kasalukuyang umiiral.

Iniutos din ng alkalde na tanggalin na rin ang no mask no entry policy dahil mas kailangan ng mga frontline workers ang face mask.

Mahigpit na ring ipinatupad ang curfew hours mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas singko ng umaga.