TUGUEGARAO CITY-Naghain ng resolusyon si 3rd District Cong. Joseph Lara para bilisan ng Department of Health (DOH) ang kanilang pag-apruba at pagbibigay ng lisensiya upang maging covid-19 testing center ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ayon kay Cong. Lara, layon nitong mapabilis ang pagbibigay ng resulta sa mga swab test ng mga covid-19 patients.

Aniya, nasasayang lamang ang mga PPE o Personal protective Equipment kapag natatagalan ang isang suspected patient sa pagamutan na kalaunan ay nagnenegatibo rin dahil nanggagaling pa sa ibang lugar ang resulta ng swab test.

Inihalintulad ni Lara ang kasalukuyang sitwasyon ng CVMC kung saan umaabot ng isang linggo bago matanggap ang mga resulta ng swab test ng kanilang mga pasyente dahil nanggagaling pa ito sa Baguio General hospital.

Dahil dito malaking tulong at mapapadali ang gawain ng mga frontliner sa Cvmc kung mamadaliin ng DOH ang pag-apruba na gawing covid-19 testing center.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa CVMC, kasama rin sa resolusyon na madaliin ng DOH ang pag-apruba sa lahat ng mga ospital sa bansa na nag-apply sa naturang ahensiya para maging covid-19 testing center.

Sa ngayon, sinabi ni Lara na nairefer na ang nasabing resolusyon sa committee of health at kasalukuyan ng pinag-aaralan.

Tinig ni Cong. Joseph Lara