Inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na wala pang inihain na resolusyon para hilingin na ibasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ipinaliwanag ni Escudero na hindi aaksyon ang Senado sa isang bagay na hindi pa naihahain.

Matatandaan na inamin ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na siya ang nasa likod ng draft Senate resolutions na humihiling na ibasura ang impeachment case laban kay Duterte.

Sinabi ni Dela Rosa na isasailalim pa niya sa evaluation kung maghahain siya ng kanyang sariling bersyon ng resolusyon, kung saan may ilang Senador umano ang gumawa ng kanilang sariling drafts, kung saan ay planong pag-isahin ang mga ito.

Ang dokumento na kumakalat sa social media ay humihiling umano na ideklara ang impeachment case ni Duterte bilang “de facto” dismissed sa ilalim ng 1987 Constitution.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na na-impeach si Duterte ng Kamara noong February 5, matapos na iendorso ng mahigit 200 na mga mambabatas ang reklamo.

Siya ay inaakusahan ng betrayal of public trust, culpable violation of the constitution, graft and corruption, at iba pang high crimes.